• Gabay  para sa mga mag-aaral para sa Microsoft Teams

  • 1. Pumunta sa: oneview.duvalschools.org at gamitin ang login na student  ID  at  password ( katulad ng ginagamit  mo  sa  pag-login  sa  mga  computer  sa  paaralan).

     

    Mga tala tungkol sa mga usernames:

    Kung gumagamit ka ng isang aparato ng DCPS, ang iyong username ay s + ang iyong itinalagang numero ( halimbawa: s12345678).

    Kung gumagamit ka ng iyong sariling aparato, ang username ay ang email address ng mag-aaral,

    S+ ang iyong itinalagang numero + @duvalschools.org (halimbawa: s12345678@duvalschools.org)

     

    • Kapag ikaw ay naka-log in, gusto mong i-click ang "waffle" sa itaas ng kaliwang sulok.

    OneView Screenshot

  • 2. Bubuksan nito ang lahat ng mga App ng Microsoft  na iyong magagamit sa pamamagitan ng DCPS.

    • Ang kakailanganin mo para sa Duval HomeRoom ayTeams.

    • Mag-click sa Teams.

     Apps Links

  • 3. Bubukas ito sa Teams na na-set up para bawat isa sa iyong mga klase. (Ang mga pangalan ay maaaring lumitaw sa dalawang magkaibang paraan).

    • Pangalan na ibinigay sa Team ng iyong guro.
    • O, ang paraan ng a klase ay nakalista sa Focus. 

    Upang buksan sa klase, i-click lamang  ito. 

    Microsoft Team Dashboard

  • 4. Kapag nasa klase ito, ito ang makikita ninyo. Ang bawat klase ay magbubukas sa "General Post." Ito ay kung saan makikita ang mga bagong takdang aralin at mga pamahayag mula sa iyong guro.

    • Maaaring buksan ng iyong guro ang kakayahan para sa iyo na mag-post dito.
    • Tumugon sa isang partikular na gawain o anunsyo.
    • Simulan ang isang bagong pag-uusap (ito ay isang mahusay na paraan upang magtanong).

    Mahalaga: laging gamitin ang akademikong/angkop na wika  sa iyong mga post

    Dashboard

  • 5. Sa itaas ng pahina ng iyong Team, magkakaroon ka ng ibat-ibang mga tab. Maaaring madagdagan ito ng iyong gura, kaya siguraduhin na bigyang pansin ang lugar na ito.  

    Dashboard Tab

    • Ang Files Tab ay kung saan maaaring mag-upload ang iyong guro ng mga dokumento ng klase. Ang mga dokumentong ito ay ‘read only’, ngunit maaari kang magbukas at mag-download ng  kopya kung kailangan mo.

    • Ang Class Notebook ay magbubukas  sa  OneNote ng iyon klase. Kung pinili  ng iyong guro na gamitin ito para sa mga tala o assignment, magbibigay sila ng partikular na direksyon tungkol dito.

    • Ang Assignment Tab ay kung saan makikita mo ang lahat ng takdang aralin na iniatas sa iyo. Tignan natin na mas malalim ang tampok na Assignment.
  • 6. Kapag nag-click ka sa “Assignment", ito ay ang  makikita mo.

    Assignments Instructions

    1. Kung ano ang iniatas.
    2. Kung kalian ito i-submite.
    3. Kung ano ang iyong nakumpleto.

    Mahalaga na bigyang pansin ang takdang petsa upang hindi mahuli sa pagtapos ny iyong takdang aralin

  • 7. Kapag nagbukas ka ng isang assignment, ito ang iyong makikita. 

    Assignments Dashboard

    1. Kung nagbigay ang guro ng partikular na mga tagubilin, nakikita ito dito.

    2. Kung may anumang mga dokumento o resources na kailangan para sa assignment, nandito ito. I-click para buksan at i-edit ang mga ito.

    3. Kung nais ng guro na i-upload mo ang isang bagong dokumento, mag-click sa “+ Add work”


    Makikita at susuriin ng iyong guro ang iyong progreso sa iyong assignment kahit na hindi mo ito na-isubmite. Kaya kung ikaw ay hindi sigurado na tama ang iyong ginagawa,, maaari kang humingi ng tulong sa iyong guro.

    MAHALAGA: Upang malaman ng iyong guro na ikaw ay nakumpleto sa isang assignment, dapat mong itulak "Turn In".

  • Dagdag na mga tip at tricks:

    • I-download ang Teams app sa iyong telepono at magkaroon ng access sa lahat ng iyong mga klase. Tutulutan kang makakuha  ng mga  notipikasyon kapag may bago kang assignment.

    • Tandaan, ang iyong DCPS email address ay ang iyong student ID # na sinundan ng @students. duvalschools.org (Ex. S1234567@students.duvalschools.org)

    • Manatili makaalam ng  iyong mga assignment at takdang petsa sa pamamagitan ng pag-check in sa araw-araw.

    • Tandaan, makipag-ugnayan sa iyong guro sa pamamagitan ng email o mag-post ng tanong sa Teams kung mayroon kang anumang mga katanungan o problema.